Saturday, November 16, 2013

ARALING PANLIPUNAN GROUP

MGA IMPLUWENSYA AT PANINIWALA


Sa Gitnang Kaharian(China)
                   Naniniwala ang china na ang kanilang kabihasnan ay ang pinaka-matandang nabubuhay sa daigdig.Tinatawag ng mga tsino na ang kanilang imperyo ay ZHONGGUO na ang ibig sabihin ay "middle kingdom" o "gitnang kaharian" ibig sabihin ay pinaniniwalaan nila na ang kanilang imperyo ay sentro ng daidig at kaganapan .Pinaniniwalaan din nila ang pagiging superyor at natatanging kanilang kultura at kabihasnan.Parte din ng paniniwalang sila ang sentro ng daigdig ay ang paniniwalang Tsino na ang kanilang emperador ay anak ng langit. Ang kultura ng China ay ibinahagi sa mga karatig bansa katulad ng Japan,Korea at Vietnam




Sa banal na pinagmulan ng emperador ng Japan at Korea.
                        Pinaniniwalaan ng mga Hapones na ang mga isla nila ay lupa ng mga diyos sa dahilang nabuo o inianak ito bunga ng pagtatalik ng kanilang diyos na si Izanagi at ng kanilang diyosa na si Izanami. Amaterasu O-mi-kami na kinilala ng mga Hapones na diyos ng araw.Kahanga-hanga ang mga Hapones sapagkay bukas sila sa isang kultura at impluwensya at hindi nangingiming humiram at iangkop ito sa kanilang pamumuhay.maging ang Korea ay naniniwala sa banal na pinag-mulan ng kanilang emperador....





Sa Mito ng pinagmulan  at sinaunang kaisipan ng Timog Silangang Asya
                               Ang katutubong relihiyon ng mga taga-Timog Silangang Asya ay animiso kung saan naniniwala sila na ang kapaligiran ay pinanahanan ng espiritu o diyos na maaring mabait o masama.Sa paniniwala ng Mon isang pangkat ng Etnolingwistiko sa Myanmar ang kanilang hari ay nangunguna sa mga ritual para sa ikakasaya ng kanilang diyos.Sa pagpasok ng impluwensyang India sa Timog Silangang Asya nagkaroon ng higit pang batayan ng pamumuno ang mga sinaunang hari. Hiniram nila ang mga kaisipang India na naka-ugat sa relihiyong Hinduism at Buddhism.Sa India ang mga hari ay kilala bilang devaraja o 'haring diyos"(impluwensyang hinduism) at cakravartin o hari ng buong daigdig (impluwensyang nuddhism)


                                                                                                                     finished :) <3 :) <3